Nalalapit na ang Araw ng mga Puso. Nagpaplano na ang karamihan, lalung-lalo na yung mga may partner, boyfriend, girlfriend, o lover kahit pa ano ang kani-kanilang sexual orientation. Karamihan naman sa mga walang partner ay nai-stress, nagse-self-pity, o nagbi-bitter-bitteran, dahil lalo lamang nila nararamdamang sila ay nag-iisa at walang nagmamahal sa kanila. Malalamig ang Valentine's kumbaga.
Tama, masarap mag-celebrate ng Valentine's Day kung ikaw ay may partner. Kung ikaw ay may minamahal at may nagmamahal din sa iyo. Masarap magplano, mag-ipon ng panggastos sa date, mag-isip ng kung anong ireregalo sa minamahal sa araw na ito. Masarap din mag-expect o umasa kung ano ang matatanggap mula sa kanya.
Pero para sa isang single na katulad ko, what's the big deal if I don't have a partner? Kailangan ko ba'ng ma-stress dahil wala akong date pagsapit ng February 14? Hindi porke't ang Valentine's Day ay Araw ng mga Puso ay kailangan nang ma-despair ng isang solterong tulad ko. Kapag sumasapit ang Valentine's Day at nakikita ko ang mga magsing-irog na masasaya ay masaya rin ako para sa kanila. Pero hindi ibig sabihin noon na malungkot ako para sa sarili ko. Bagkus ay lalo lamang akong natutuwa dahil hindi ako malungkot kahit wala akong partner. Kung gusto kong i-celebrate ang araw na ito ay pwede kong i-celebrate kasama ang mga mahal ko sa buhay. O kaya ay i-celebrate ko'ng mag-isa dahil mahal ko ang sarili ko.
Kapag nakikita ko ang mga mag-sweetheart na nagde-date o nagpapalitan ng regalo sa Valentine's Day, at hindi ako naiinggit o nalulungkot, lalo ko lang nare-reinforce sa sarili ko na ok ako, dahil lalo akong naniniwala na hindi ko kailangan ng partner para maramdaman kong kumpleto ako kapag Valentine's Day o kahit pa anong araw ng taon. My happiness does not depend on someone else. Happiness is a choice. And I choose to be happy.