Thursday, February 9, 2012

Valentine's Day - What's the Big Deal?

Nalalapit na ang Araw ng mga Puso.  Nagpaplano na ang karamihan, lalung-lalo na yung mga may partner, boyfriend, girlfriend, o lover kahit pa ano ang kani-kanilang sexual orientation.  Karamihan naman sa mga walang partner ay nai-stress, nagse-self-pity, o nagbi-bitter-bitteran, dahil lalo lamang nila nararamdamang sila ay nag-iisa at walang nagmamahal sa kanila.  Malalamig ang Valentine's kumbaga.

Tama, masarap mag-celebrate ng Valentine's Day kung ikaw ay may partner.  Kung ikaw ay may minamahal at may nagmamahal din sa iyo.  Masarap magplano, mag-ipon ng panggastos sa date, mag-isip ng kung anong ireregalo sa minamahal sa araw na ito.  Masarap din mag-expect o umasa kung ano ang matatanggap mula sa kanya.

Pero para sa isang single na katulad ko, what's the big deal if I don't have a partner?  Kailangan ko ba'ng ma-stress dahil wala akong date pagsapit ng February 14?  Hindi porke't ang Valentine's Day ay Araw ng mga Puso ay kailangan nang ma-despair ng isang solterong tulad ko.  Kapag sumasapit ang Valentine's Day at nakikita ko ang mga magsing-irog na masasaya ay masaya rin ako para sa kanila.  Pero hindi ibig sabihin noon na malungkot ako para sa sarili ko.  Bagkus ay lalo lamang akong natutuwa dahil hindi ako malungkot kahit wala akong partner.  Kung gusto kong i-celebrate ang araw na ito ay pwede kong i-celebrate kasama ang mga mahal ko sa buhay.  O kaya ay i-celebrate ko'ng mag-isa dahil mahal ko ang sarili ko.

Kapag nakikita ko ang mga mag-sweetheart na nagde-date o nagpapalitan ng regalo sa Valentine's Day, at hindi ako naiinggit o nalulungkot, lalo ko lang nare-reinforce sa sarili ko na ok ako, dahil lalo akong naniniwala na hindi ko kailangan ng partner para maramdaman kong kumpleto ako kapag Valentine's Day o kahit pa anong araw ng taon.  My happiness does not depend on someone else.  Happiness is a choice.  And I choose to be happy.

20 comments:

  1. Natutuwa naman ako sa pagmamahal mo sa sarili mo! Sana maging ganyan din ang pananaw ko sa buhay para mas maging masaya na din ako!


    http://travel-on-a-shoe-string.blogspot.com/2012/02/2012-philippines-17th-hot-air-balloon.html

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cha, being happy is a choice. You can choose to be happy or you can choose to be sad. Kaya mo maging masaya.

      Delete
  2. Kapag sumasapit ang Valentine's Day at nakikita ko ang mga magsing-irog na masasaya ay masaya rin ako para sa kanila. Pero hindi ibig sabihin noon na malungkot ako para sa sarili ko. - like!

    My happiness does not depend on someone else. Happiness is a choice. And I choose to be happy.-Fanalo!!!

    I'm really really happy for you kuya rence! Kuya deserve to be happy :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming maraming salamat sa suporta, jhengpot! =) bago ko lang nalaman kumakanta ka pala, ha.

      Delete
  3. I'm happy to know, di pala ako nag iisa.. madami pala tayong solo ang pebrero. :) mabuti nlng walang rizal park sa brunei. pagnagkataon mauulit ang kantyaw na "makipila sa park for firing squad"

    But it's TRUE. importante masaya tayo araw-araw at di lang nitong love month. mapaSOLO man sa buhay. GOd bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. marami tayo. hindi tayo solo. hindi rin tayo single. marami tayooooo!!!

      Delete
  4. Sabe nga nila, in-time, dadating din si Ms/Mr. Right, tama na
    di naten kailangang ipressure ang ating sarili sa Feb.14, why not go out with our very first girlfriend in our life? wag na tayong magbulag-bulagan, alam nating lahat kung sino un, :)

    ReplyDelete
  5. Happy Valentines Day! Okey lang yan... andyan naman ang pamilya para maramdaman mo ang Love, at pati sa mga friends. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Empi, dama ko naman ang love nila year-round. =)

      Delete
  6. jackpot ang mga owner ng hotel at motel,hehe....ngayong araw...valentine's day....

    ReplyDelete
  7. I discovered your web site via Google while looking for a related subject, lucky for me your web site came up, its a great website. I have bookmarked it in my Google bookmarks. You really are a phenomenal person with a brilliant mind!

    ReplyDelete
  8. una.. soltero ka pala? may kilala akong soltera mabait ;)
    pangalawa... may blog ka palang ganito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Balut, matchmaker ka rin pala. Yung kilala mong soltera, mabait. Ako, mabait AT guwapo. Hahahaha. At tungkol sa blog na ito, oo, minsan umeemo lang. =)

      Delete
  9. ei taga raxa bago ka lang din.. siguro nag-aral ka sa emilio jacinto hehe.. gud day!!! im ur new follower.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for following. Sa Uno High School po ako nag-aral ng high school. =)

      Delete
  10. im ur new follower.. gud day! GO Tondo Clan!!

    ReplyDelete
  11. yung kilala kong soltera oo super bait, napagtyagaan nga nya akong maging friend eh, eh di mabait nga lol.

    nakalimutan ko yata i-attach etong link dun sa isa kong comment. lol

    http://balutmanila.blogspot.com/2012/02/sundae-hot-fudge-on-thursday-at-home.html

    ReplyDelete