Tuesday, January 24, 2012

The Survivor

Nung teenager pa lang ako, madalas ko maramdaman na hindi ako naiintindihan ng mga magulang ko, especially ni Mama, since ang father ko ay absentee father kahit na nandiyan lang siya.  Mas madalas, yung feeling na ganito ay nasusundan ng feeling na ikaw ay hinuhusgahan dahil nga hindi ka naiintindihan sa iyong mga ikinikilos.

Kaya sinabi ko sa sarili ko noon, pagdating ko sa ganoong edad o sa adulthood, pilit kong iintindihin yung next generation.  Kung bakit sila ganoon kumilos, kung bakit ganoon ang kanilang mga pananamit, kung bakit nila gusto ang mga gusto nila, at hindi ko sila huhusgahan dahil lamang iba ang kanilang gusto sa gusto ko noong ako ay teenager pa.

Dahil sa aking palagay, ang mga teenagers noong kapanahunan ng magulang ko, at nung kapanahunan ko, at mga teenagers ngayon, ay pare-pareho lang ng pinagdadaanan.  Magkakaiba nga lang ang kanilang mga generations. Masasabi kong taglay ko ang pang-unawa sa mga kabataan ngayon, dahil ang mga nakikilala kong teenagers ay palagay ang loob sa akin, at meron silang feeling of belonging pag kasama nila ako.

Halimbawa ay sa mga pamangkin ko.  Although adult akong tingnan, pag nagkasama kami, ang impression nila sa akin ay isang cool Tito.  They can express themselves when they are with me.

Naiinggit ako minsan sa kanila, kasi naipaparamdam ko sa kanila ngayon yung hindi ko naramdaman noong ako ay bata pa.

Ngayon ko lang naisip, kung mayroong time machine ay pupuntahan ko ang sarili ko noong ako ay teenager pa at kakaibiganin ko siya.  Ipaparamdam ko sa kanya na naiintindihan ko siya.  At hindi ko siya huhusgahan.  At pwede niyang sabihin sa akin lahat ng gusto niyang sabihin.  Ipaaalam ko sa kanya na meron siyang pwedeng sandalan sa oras ng kanyang pangangailangan.  Meron siyang pwedeng kausap sa oras na kailangan niya ng kausap.  Bibigyan ko siya ng sense of belonging.  At tuturuan ko siyang mag-basketball.  At sasabihin ko sa kanya kung ano ang pwedeng kurso para sa kanya.

Pero walang time machine.  Ang teenager na ako ay naging ngayong ako.  Siguro, kung hindi ko pinagdaanan yung mga pinagdaanan ko nung teenager ako ay baka hindi ako kasing understanding sa mga kabataan ngayon.  Mahirap man ang tinahak kong landas noon, masasabi ko na isa akong blessing para sa kasalukuyang generation.  Because I never gave up.  Because I survived.


Epilogue 
(Umeepilog pa)

Di na ako pwedeng bumalik sa nakaraan.  Di ko na pwedeng baguhin ang itinakbo ng buhay ko.  Ang pwede ko na lang gawin ay make peace with my past, and with myself.  Tanggapin kung ano ako ngayon and make the best of it.

Nobody can go back and start a new beginning, 
but anyone can start today and make a new ending.

12 comments:

  1. hinugot mula sa kailalimlaliman ng emosyon. Like! Crisis Identity ata ang twag don, ung feeling mo kontra sayo ang buong mundo, kaht ako napagdaanan ko. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Akoni, parang ganoon na nga. Against all odds. :)

      Delete
    2. sa google mo siguro nakuha ang picture na iyon na naka bike.....ayos siya....bilib ako sa design..

      Delete
    3. doon mismo sa site kung saan ko ginawa yung banner. meron silang mga templates

      Delete
  2. unang una maganda ang design ng blog mo..ikaw ba iyon na naka bisikleta.....mahirap na ngang maibalik pa ang nakaraan.....pero mas masaya ang noon kaysa ngayon.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat, Arvin. Hindi ako iyong naka bisikleta, pero meron akong bisikleta at paminsan-minsan ay nagba-bike ako. Naghahanap nga ako ng makakasamang mag-bike, e. Sa kaso ko ay mas masaya ang ngayon kaysa noon.

      Delete
  3. tama rence u can never turn back time & the only thing constant in this eorld is change, so enjoy lang the moment and dont look back!

    ReplyDelete
  4. Thanks, McRICH. I am enjoying the moment. Pero sa ngayon, kailangan kong tumingin sa nakaraan. Kailangan ko ang process na ito, for my healing. After this, malalaman ko na kung saan papunta ang future ko.

    ReplyDelete
  5. inspiring last words :)

    generation gap nga naman .hays.

    ReplyDelete
  6. Tama! We can never turn back time and difficult too to understand people, all I know is that we do things for a reason, they have their own way of showing their love and affections. Posibleng misunderstood Lang Sila.. Just my 2 cents.. Kaya sometimes it's easier to be vocal para clear lahat... Hey thanks pala for dropping by my blog! Greatly appreciated! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks for taking some time reading this. =)

      Delete