Friday, January 20, 2012

Best Friend

Sino ba ang nag-imbento ng talatang "best friend?"  Kung sa Tagalog ay "matalik na kaibigan."  Sigurado ako, sa pagbasa mo ng mga talatang iyan ay sumagi sa isip mo ang mga taong itinuturing mong mga best friends mo.  Bakit mo sila best friends?  Dahil lagi mong kasama sa gimik?  Dahil kaututang dila mo?  Dahil nauutangan mo?  Dahil kalaro mo sa Dota?  Dahil kakopyahan mo?

Noong kabataan ko, ginagamit ko pa ang salitang "best friend."  Pero habang lumilipas ang panahon, naglalaho na rin ang paggamit ko ng mga salitang iyon, siguro ay dahil kapag ginamit ko iyon ay parang inilalagay ko sa kahon ang relasyon namin ng mga pinakamalapit kong kaibigan.  Na dapat ay ganito at dapat ay ganoon at kung hindi ganito at hindi ganoon ay hindi ko na siya "best friend."

Hindi ko tinatawag ng "best friend" ang mga best friends ko.  Yung mga hindi ko ka-close, ang tawag ko ay kakilala o kasama sa school, kasama sa work, kasama sa gimik, etc.

Ang tawag ko sa best friends ko ay kaibigan.

Kaibigan, dahil may laya siya.  At ako.

Malaya akong magsalita kapag siya ang kausap ko.  Pwede kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin.  Nasasabi ko ang aking mga insecurities.  Nasasabi ko ang aking fears.  Nasasabi ko ang aking mga galit.  At hindi ako huhusgahan.  Ang sasabihin niya lang ay, "Gago ka talaga," at iyon ay hindi para laitin o maliitin ako, kundi para sabihing "kahit na ganyan ka, kaibigan pa rin kita."

Malaya akong magbago.  Ng pananaw, ng ugali, ng estado sa buhay, ng mga panuntunin at mga prinsipiyo.
Malaya akong isiwalat ang tunay kong pagkatao.  Malaya akong maging mabuti o masama.  May laya akong mawala ng matagal...at magpakita ulit.

Maraming kakilala ang dumaan sa buhay ko, pero sino ang mga itinuturing kong mga kaibigan?  Sila yung kahit na matagal na panahon kaming hindi magkita, at nung magkita kami ay nagbago na siya, at nagbago na ako, at hindi na kami yung unang nakilala ng isa't isa, pero nandoon pa rin ang pagtanggap at pagrespeto at ang pakiramdam na kahit na naging sino o ano ka pa, ikaw pa rin ang kaibigan ko.

7 comments:

  1. oo malalim talaga ang pinag-uugatan ng salitang bestfriend, congrats sa bago mong lungga!

    ReplyDelete
  2. Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the Hall of Fame ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete
  3. Ito na pala ang bagong bahay mo..

    May kaibigan din ako, pero hindi lang basta kaibigan ang turingan namin...magkapatid na, dahil dalawang dekada na kaming magkaibigan. marami narin akong naisulat tungkol sa kanya, tungkol sa pagkakaibigan namin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Akoni, bale dalawa't kalahati ang bahay ko ngayon. Dito yung mga post na medyo direktang patungkol sa akin. Yung isa naman e kung anu-ano lang. Doon ako nag-umpisa mag-blog.

      Yung kaibigan ko naman e halos 4 decades ko nang kasama.

      Delete
  4. i have a friend since high school almost 15 years na rin kaming magkaibigan at even up to the last chance we have now in our life magkasama pa rin kami. matawag kong tunay na kaibigan kasi sa lungkot at saya sa hirap at ginhawa naman pero mas maturing mo isang totoong kaibigan ang taong nasa tabi mo when u have ur down moments. bonus na ang good times ninyong dalawa. pagtatawanan ka muna pag nadapa ka bago ka tutulongan tumayo at saksakin ka ng harap harapan hindi yong patalikod!! humaba na ang comment ko parang nagblog na rin ako dito hahahahaha

    ReplyDelete