Wednesday, January 18, 2012

Kung Bakit "Soltero" ang Title Ko

"Soltero" is a Spanish word meaning single; bachelor; an unmarried man.  Sa Tagalog, binata.

Dito sa ating bansa, kung ikaw ay isang middle-aged man or woman and you're still single, siguradong narinig mo na ang tanong na ito: 

Bakit 'di ka pa nag-aasawa?  
Sino ang mag-aalaga sa iyo pagtanda mo?

Maraming beses ko nang narinig at sinagot ang mga tanong na iyan. 

Saan ba nakasulat na pagdating mo ng certain age ay kailangan mo'ng mag-asawa?  At kung mag-aasawa ka at mag-aanak para lang may mag-alaga sa iyo sa pagtanda mo, kawawa naman sila.  Mas mabuti pang kumuha ka na lang ng caregiver.  Hindi porke't ganito ang aking edad at single ako ay may mali sa akin.

Some people think single people have miserable and lonely lives because that is how they see their lives if they do not marry.  But that is not true to all persons.  Some can be mature and single and still be content and happy.  Di ba, marami nga ang married, pero miserable naman ang buhay nila?

Lagi kong sinasabi, kung ikaw ay single at nagkaka-idad na, at hindi ka mapakali o di ka mapayapa dahil takot kang tumandang mag-isa o baka mapag-iwanan ka, mag-asawa ka.  I have nothing against marriage.  In fact, I am pro-marriage.  Pero kung ikaw ay single at content ka naman, huwag kang padadala sa pressure galing sa iba na mag-asawa ka kung mali rin lang ang mga rason mo sa pag-aasawa.

Maraming dahilan kung bakit ang isang tao ay nagkaidad na single pa rin.  Pero hindi ibig sabihin na lahat ay malungkot, miserable, o bugnutin.  Meron ding masaya, kuntento, at may kapayapaan.

Katulad mo rin sila.  Maraming pinagdaanan.  Maraming kwento.  Marunong tumawa.  Marunong umiyak.  Marunong magmahal.  Marunong magalit.  Marunong matuwa.  Marunong malungkot.  Marunong mabuhay.  Normal.

Ako po ay isang soltero.  Ito po ang aking kwento.

6 comments:

  1. hahahahahaha!! kuya!! swak na swak yan!! shet!! lels!! i was supposed to make an entry about that since lately magulo utak ko!! tama ka sa mga tanong ng ibang tao!! prerogative naman ng isang tao kung kelan niya gusto mag-asawa! sabi ng mama ko nga noon, hindi contest ang pag-aasawa!! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. quin, agree ako sa mama mo. hindi contest ang pag-aasawa. ganoon din siguro masasabi ko sa pagjo-jowa. di ibig sabihin na wala kang partner ay may mali na sa iyo. let's enjoy being single. hahaha

      Delete
  2. tama ka jan. we should never look at happiness the same way as everbody else. if we do things just to blend in with the rest we will never be truly happy :)

    ReplyDelete
  3. hehehe nakakatawa sabi nila wag daw choosy ung mga single eh panu kung wala ka nmn pag pipilian na matino like maraming pedeng gwing karelasyon pero ung totoo?? naku bhira ung mga totoo nowadys. ndenmn sa pgging bitter, nde lahat ng lalake maloko nde rin lahat ng babae santa. Maraming martyr niebera nowadays sa maling tao. db. la lang naisp ko lang. we should pray for that person meant to be with us forever dba. hehehe ayun lang

    ReplyDelete
  4. Ser Rence! Ngayon ko lang nakita ang blog mo. hehe

    ReplyDelete