Isa sa pinakamalapit kong kaibigan ay si Vincent. Ang tawag ko sa kanya hanggang ngayon ay Binsin, o Sin. Magpinsan kami na hindi. Kaya kami naging magpinsan, dahil ang tatay niya at tatay ko ay magpinsang-buo na hindi rin. Kung paano kami hindi magpinsan ay dahil adopted ang lolo niya, na panganay sa mga lolo namin. Nakatira kami noon sa iisang compound na kung saan ang mga nakatira ay puro magkakamag-anak. Yung bahay nila ang una, ang sa amin ang pang-apat. Hindi ko alam kung paano kami naging mag-close sa lahat ng magpipinsan. Basta na lang nangyari. Ngayon ay pamilyado na si Binsin.
Noong mga 15 o 16 pa lang kami, palagi siyang naiiwang mag-isa sa bahay. Isang araw ay tumawag siya sa akin sa telepono at sinabi niyang napakataas ng lagnat niya, at natatakot siya dahil parang mamamatay na raw siya. Pinuntahan ko siya at napakataas nga ng lagnat niya. Binigyan ko siya ng gamot noon, pinunasan, at sinamahan ko, dahil takot nga daw siyang mamatay.
Nang medyo napayapa na siya at nawala na ang takot niya, bigla akong tinanong.
"Iiyak ka ba pag namatay ako?"
"Siyempre. E, ako ba pag namatay ako, iiyak ka?" tanong ko rin.
"Ewan ko."
"Bakit ewan mo?"
"E, hindi pa naman nangyayari, e. Malalaman ko lang pag nangyari na."
Weird ang usapan niyo. nakakatakot! hehehe
ReplyDeleteMarami pa kaming kaweirdohang usapan kaysa diyan. =)
DeleteMaitanong ko nga rin yan sa mga malalapit sa akin.
ReplyDeleteSige. post mo rin mga sagot nila...and good luck. =)
Deletehahahaha may point naman eh malalaman mo nga ang isang bagay o tanong pag nangyari na!! lels!!
ReplyDeleteoo nga e. panira ng moment. hahaha
Deleteano bang usapan yan? hehe! syempri iiyak ka noh..
ReplyDeletemga bata pa kami noon, mommy-razz, kaya kung anu-ano pumapasok sa kukote. hanggang ngayon pa rin naman. hehehe
Delete